Thursday, November 19, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Hosting ng Pilipinas sa ASEAN Summit 2026 natapos na; Chairship ipinasa na sa Singapore

Matapos ang ilang araw na mga pagpupulong, natapos na ang pag-host ng Pilipinas sa ASEAN Summit 2026. 

Mula sa ASEAN International Media Center, tinawag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na matagumpay ang pagdaraos ng summit sa Pilipinas. 

Dumating ang lahat ng lider o representative ng labing-isang ASEAN member states.

Dito idinaos ang mga dialogue ng iba-ibang dialogue partner countries gaya ng Japan,  China, Australia, Republic of Korea at India, at pati Guests of the Chair na Brazil at Canada. 

Ang tema ng pagpupulong ngayon taon sa Pilipinas ay ‘Navigating our Future Together,’ at nakasentro ito sa pagtugon ng mga bansa sa mga hamon nang tulong-tulong at sabay sabay. 

Nagkaroon ng usapan sa regional oil stockpiling strategy, ASEAN power grid, food security at ang paglagda sa makasaysayang Digital Economic Framework Agreement, na layong makatulong maging mas konektado at protektado ang ASEAN sa digital economy gaya ng digital payments. 

Nagpapatrol, Jekki Pascual. TV Patrol, Martes, 17 Nobyembre 2026

Leave a Reply