TV PATROL: Marcos ibinida ang mahahalagang kasunduan na naging bunga ng ASEAN Summit
Sa pagtatapos ng 49th ASEAN Summit, inilarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “very successful” naging hosting ng Pilipinas.
Itinuturing niyang pinakamalaking tagumpay sa ASEAN ngayong taon ay ang paglalagda ng ng Digital Economy Framework Agreement na kauna-unahang kasunduang nagbabalangkas kung paano mas mabilis na ang e-commerce at trade sa buong rehiyon.
Ayon pa sa Pangulo, nilagdaan din ng mga lider sa rehiyon ang isang kasunduan na pagtulungan ang pagsugpo sa online child sexual abuse at mga online scam.
Ilan lang ito sa mahahalagang kasunduan ang nabuo sa pagitan ng ASEAN leaders at dialogue partners na ibinida ng pangulo.
Live mula sa International Media Center, nagpapatrol si Katrina Domingo. TV Patrol, Martes, 17 Nobyembre 2026.