TV PATROL: Trump nakipagpulong sa mga lider ng India, Japan at Australia pagdating sa PH
Agad na nakipagpulong si US President Donald Trump sa mga lider ng India, Japan at Australia ilang sandali matapos dumating sa Maynila.
Kinilala ni Trump ang pagkakaroon ng ‘free, open, stable Indo-Pacific’ at ang kahalagahan ng mga partner sa Southeast Asia.
Pinuri rin niya sina Indian Prime Minister Narendra Modi, Japanese Prime Minister Takaichi Sanae at Australian Prime Minister Anthony Albanese bilang ‘highly respected leaders.’
Inanunsyo rin ni Trump na magkakaroon ang apat na bansa o ang Quad ng isang exercise na magpapamalas ng maritime patrol aircraft para patuloy aniya na maprotektahan ang kapayapaan sa pamamagitan ng lakas.
Live mula sa International Media Center, nagpapatrol si Harlene Delgado. TV Patrol, Martes, 17 Nobyembre 2026.