Thursday, November 19, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: BINI, SB19 unang homegrown Filipino acts na nominado sa Grammy Awards

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng musikang Pilipino, dalawang homegrown Filipino groups ang nakakuha ng nominasyon mula sa Recording Academy o Grammys: ang Nation’s Girl Group, BINI at Kings of P-pop, SB19.

Good news ito para sa BINI na katatapos lang ang Signals World Tour sa Taiwan at kakapanalo lang ng back-to-back awards sa Jupiter Awards at Nickelodeon Kids’ Choice Awards.

Ngayong Miyerkules, sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas, ibinahagi ni BINI Maloi ang saya sa Grammy nomination na inilarawan niyang mahalagang milestone sa karera nilang walo.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Maloi sa mga bumubuo ng team sa likod ng kanilang kantang ‘Unang Kilig’ at nag-congratulate sa kapwa nominado na SB19.

Nagpapatrol, MJ Felipe. TV Patrol, Martes, 17 Nobyembre 2026.

Leave a Reply