Thursday, November 19, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Martsa ng mga raliyista mula Liwasang Bonifacio muling nabigong makalapit sa PICC

Sa ikalawang pagkakataon, hindi natuloy ang martsa ng mga raliyista papuntang PICC sa Pasay City, matapos silang haranging muli ng mga pulis sa Maynila. 

Sa pagdating ni US President Donald Trump sa bansa muling sumigaw ang mga raliyista sa Liwasang Bonifacio na tutol sa pagbisita niya sa bansa at sa Pax Silica. 

Muling iginiit ng grupong magmartsa sila patungong PICC kung saan naroon ang ilang world leaders at mga delegado sa 49th ASEAN Summit. 

Pero muli rin silang hinarang ng mga pulis kaya natigil ang lakad sa ilalim ng overpass sa Padre Burgos Avenue. 

Nauna rito muling nagkomprontasyon ang mga pulis at raliyista sa Liwasan Bonifacio noong umaga. 

Ito’y dahil hinarang ng mga pulis ang truck na may kargang generator set at speakers. 

Nagpapatrol, Jessie Cruzat. TV Patrol, Martes, 17 November 2026.

Leave a Reply