Thursday, November 19, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: 213 naaresto sa Muntinlupa protest caravan na-inquest na

Sumailalim na sa inquest proceedings ang mahigit dalawandaang naaresto sa ikinasang protest caravan kasabay ng ASEAN Summit sa Muntinlupa City. 

Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), sinampahan ang mga ito ng reklamong alarm and scandal at paglabag sa Batas Pambansa Number 880 o ang Public Assembly Act of 1985 na nagtatakda ng tamang oras at lugar kung saan maaaring magsagawa ng protesta. 

Dahil sa dami ng mga naaresto, pansamantala silang nakalagak sa multi-purpose hall ng Camp Bagong Diwa. 

Siniguro ng tagapagsalita ng NCRPO na si Police Lieutenant Colonel Hazel Asilo na maayos ang kondisyon ng mga naarestong indibiwal. 

Papayagan rin anila ang kanilang mga kaanak na magpadala ng anumang pangangailangan tulad ng pagkain at damit. 

Hinihintay ng pulisya ang desisyon ng piskal kung palalayain o ililipat sa lokal na kulungan ang mga naaresto. 

TV Patrol, Martes, 17 November 2026.

Leave a Reply