TV PATROL: NBI napigilan ang plano umanong pamamaril ng ilang menor de edad sa Batac, Ilocos Norte
Isang tangka umano ng pamamaril ang napigilan ng National Bureau of Investigation sa Batac, Ilocos Norte sa tulong ng US Federal Bureau of Investigation.
Natukoy ng NBI na sangkot umano sa plano ang tatlong menor de edad, habang limang estudyante ang target umano nila sa planong mass shooting.
Isang Grade 9 student ang pangunahing subject ng imbestigasyon.
Inspirasyon umano ng mga nasabing kabataan ang isang madugong school shooting noon sa Amerika.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, inamin umano ng grade 9 student na balak isagawa ang planong pamamaril sa December 16 na simula ng Simbang Gabi.
May nakuha ring baril mula sa mga menor de edad.
Nagpapatrol, Zyann Ambrosio. TV Patrol, Martes, 17 Nobyembre 2026