Sunday, November 22, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Dahil sa droga? 2 suspek sa pagpatay sa babae sa Taguig timbog

Image CaptionPatay sa pamamaril ang isang 36-anyos na babae sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay Lower Bicutan, Taguig City noong Lunes ng gabi, Nobyembre 16. Courtesy: SPD via Bea Cuadra

MAYNILA — Patay sa pamamaril ang isang 36-anyos na babae sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay Lower Bicutan, Taguig City noong Lunes ng gabi, Nobyembre 16.

Sa imbestigasyon ng pulisya, biglang pumasok sa bahay ang dalawang armadong lalaki at walang habas na pinagbabaril ang biktima. Nakatakas naman ang kinakasama nito matapos makatalon sa bintana at agad na nagtungo sa barangay para humingi ng saklolo.

Pero ayon kay Capt. Jowel Golimlim, chief PIO ng Taguig City Police, hindi pa nakapagbibigay ng kanyang panig ang live-in partner sa nangyari.

“Sa ngayon po, wala pong nabanggit ang ating ka-live-in po ng ating biktima kung ano po ang status po o bakit po talaga nangyari po sa kanila po ‘yun,” ani Golimlim.

Sapul sa CCTV ang pagtakas ng mga suspek lulan ng motorsiklo.

Sa forward-tracking ng pulisya sa mga kuha ng CCTV sa mga dinaanan, naaresto ang mga suspek sa bahay ng isa sa kanila habang pinipinturahan ang mga helmet na kanilang ginamit noong gabi ng pamamaril.

Nakumpiska rin sa kanila ang isang 9mm na baril na may mga bala. Isinailalim na ito sa ballistic test para malaman kung ito ang ginamit sa pagpatay sa biktima at kung posibleng nagamit din ito sa ibang krimen.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga suspek pero may tinutumbok nang motibo sa krimen ang pulisya.

“Ayaw pa rin po magsalita ng ating mga suspek… nagsasagawa pa rin po kami ng thorough investigation… isa sa mga posibleng motibo po ay ilegal na droga,” dagdag ni Golimlim.

Kasalukuyan nang nakakulong sa custodial facility unit ng Taguig City Police Station ang mga suspek na nahaharap sa kasong murder.

 
         

Leave a Reply