TV PATROL: Mga grupong nagmartsa patungong Mendiola hinarang ng mga pulis
Hindi nakarating sa Mendiola ang grupo ng mga raliyista para kondenahin ang pagbisita ni US President Donald Trump matapos muling harangin ng mga pulis.
Sa kabila nito, itinuloy pa rin ng grupo ang programa kontra Pax Silica, kay Trump at sa anila’y pagiging sunod-sunuran ng Administrasyong Marcos sa Amerika.
Hindi na sumama sa martsa ang mga katutubong Aeta mula Central Luzon dahil sapat na anila ang isang linggong pagsama nila sa protesta para marinig ang kanilang saloobin tungkol sa Pax Silica.
Nagprotesta rin ang ilang kabataan sa harap ng Camp Crame para kondenahin ang anila’y marahas na pag-aresto sa mga raliyista.
Nagpapatrol, Jessie Cruzat. TV Patrol, Miyerkules, 18 Nobyembre 2026.