Thursday, November 26, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: ‘Sigabo’ at ‘Someone, Someday’ muling binasag ang viewership records

Muling binasag ng mga Kapamilya seryeng ‘Sigabo’ at ‘Someone, Someday’ ang kani-kanilang viewership record nitong Martes ng gabi.

Mahigit 484,000 viewers ang tumutok at sabay-sabay na nanood kay Coco Martin at cast ng ‘Sigabo’ sa Kapamilya Online Live sa YouTube, bukod pa sa mga sumubaybay sa free TV, cable at iba pang digital platforms. 

Hindi rin binitawan ng mga manonood ang inabangang ‘rain scene’ nina Kathryn Bernardo at James Reid sa ‘Someone, Someday’ na may mahigit 478,000 concurrent viewers sa KOL. 

Samantala, biyaheng New York ang ilang cast members ng iWant Original Series na ‘Love At First Spike’ para dumalo sa International Emmys kung saan nominado ang serye.

Nagpapatrol, MJ Felipe. TV Patrol, Miyerkules, 18 Nobyembre 2026.

Leave a Reply