TV PATROL: Marcos nasa China para dumalo sa APEC Economic Leaders’ Meeting
Dumating na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa China para dumalo sa APEC Economic Leaders’ Meeting.
Sabi ng pangulo, inimbitahan talaga siya ni Chinese President Xi Jinping na dumalo dito sa APEC China 2026.
Kasama sa delegasyon ng pangulo sina First Lady Liza Marcos, Foreign Affairs Secretary Maria Theresa Lazaro, at DTI Secretary Cristina Roque.
Bago umalis, nangako ang pangulo na mag-uuwi siya ng mga investment at mas maraming trabaho para sa mga pilipino.
Inaasahang ipagmamalaki ng pangulo sa APEC Meetings ang Digital Economy Framework Agreement na tinawag niyang pinakamalaking achievement ng hosting ng Pilipinas sa ASEAN Summit.
Live mula sa Shenzhen, China, nagpapatrol si Jervis Manahan.
TV Patrol, Miyerkules, 18 Nobyembre 2026.