Thursday, November 26, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Timor Leste PM nakisayaw ASEAN Summit closing

Hataw sa pagsayaw si Timor Leste Prime Minister Kay Rala Xanana Gusma sa closing ceremony ng ASEAN 2026.

Napapunta  siya sa may entablado habang nagpeperform ng “Together in Motion” ang Grammy-nominated P-pop kings SB19, kasama sina Julie Anne San Jose at Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Masayahin ang 80-anyos na si Gusmao, na isa sa mga nakipaglaban para sa kalayaan ng Timor Leste.

Unang taon ngayon ng naturang bansa sa ASEAN Summit bilang official member. 

Sa katunayan, pagdating pa lamang niya sa Maynila, nakisayaw rin si Gusmao sa airport, maging noong magkita sila ni Pangulong Marcos sa welcome and arrival ceremony para ipakita rin ang paghanga niya sa Pinoy performers.

Sa buong ASEAN Summit, daan-daang artists, dancers, singers ang nakilahok sa pag-welcome sa mga world leaders. 

Leave a Reply