TV PATROL: Pax Silica agreement hindi pinirmahan sa pagbisita ni Trump sa Pilipinas
Natapos ang state visit ni US President Donald Trump sa Pilipinas nang hindi napipirmahan ang Pax Silica framework agreement sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr, hindi kasama sa itinerary ni Trump sa Maynila ang paglagda sa kontrobersyal na kasunduan para magtayo ng isang tech hub na tinututulan ng mga magsasaka at katutubo sa Tarlac.
Pero sa gitna ng kanilang pananghalian sa MalacaƱang, sinabi ni Trump na isang malaking kasunduan ang nabuo sa pagitan ng Pilipinas at Amerika, na kalauna’y tinawag ng pangulo ng Estados Unidos na makasaysayan at mapapakinabangan ng mga magsasaka at ng sektor ng enerhiya.
Ibinida rin ni Trump na magiging bahagi rin ang Pilipinas ng bagong energy pipeline ng Amerika sa Alaska, isa sa US states na kilala sa pagkakaroon ng maraming gas reserves.
Hindi nagbigay si Pangulong Marcos ng malinaw na sagot o commitment sa mga alok ni Trump.
Live mula sa MalacaƱang, nagpapatrol si Katrina Domingo. TV Patrol, Miyerkules, 18 Nobyembre 2026.