TV PATROL: Carlos Yulo at Chloe San Jose ipinasilip ang kanilang prenup photos
Sweet at all smiles sina Olympic champion Carlos Yulo at Kapamilya recording artist na si Chloe San Jose sa kanilang prenup photos.
Matching sila sa kanilang Japanese kimonos at kuha ang mga larawan sa iba-ibang lugar sa Japan na itinuturing na special place ng soon-to-be married couple.
Sa mensahe ni Carlos, kanyang ibinida na si Chloe ang pinaka-special blessing sa kanyang buhay.
Binalikan naman ni Chloe ang mga hamon na sabay nilang hinarap at nalampasan.
Handa na aniya siya sa next chapter ng kanilang buhay! Na-engage sina Carlos at Chloe noong December 2025 at inanunsyo ito sa publiko sa unang bahagi ng taong ito. TV Patrol, Huwebes, 19 November 2026.