TV PATROL: Rider patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Antipolo
Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang rider matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Antipolo City, Rizal.
Nawalan ng kontrol ang rider na sumemplang dahil sa tinamong tama ng bala sa tagiliran, likod, at kili-kili.
Nakaligtas naman ang anak ng biktima na angkas niya sa motorsiklo nang tambangan siya ng mga salarin.
Itinuturing na persons of interest ng pulisya ang dalawang nakaalitan ng biktima ilang araw bago mangyari ang pamamaril.
Yan ang CCTV Patrol ni Christopher Sitson. TV Patrol, Huwebes, 19 Nobyembre 2026.