TV PATROL: 458 employers sinita ng SSS dahil sa utang sa kontribusyon ng kanilang manggagawa
Bilang bahagi ng programang Run After Contribution Evaders o ‘RACE’, nagsagawa ng panibagong sabayang operasyon ang Social Security System (SSS) sa Metro Manila ngayong Huwebes.
Ayon kay SSS Senior Vice President Benjamin Dolindo Jr., umabot sa 458 employers sa Metro Manila ang binisita ng ahensya na may kabuuang higit 166-milyong pisong delinquencies o pagkakautang sa kontribusyon ng kanilang mga manggagawa.
Karamihan sa mga sinitang negosyo ay nabigong mag-remit ng kontribusyon ng kanilang mga tauhan, habang ang iba naman ay hindi pa nakarehistro sa SSS.
Dahil dito, mahigit 4,700 na empleyado ang apektado at nanganganib na hindi makatanggap ng mga benepisyo mula sa ahensya gaya ng salary loan at pension.
TV Patrol, Huwebes, 19 Nobyembre 2026