Friday, November 20, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Mahigit 200 raliyistang inaresto noong Linggo nakalaya na

Nakalaya na ang mahigit dalawandaang raliyistang inaresto sa Muntinlupa matapos tangkaing lumahok sa mas malawak na protesta kontra Pax Silica at sa pagbisita ni US President Donald Trump sa bansa.

 Nananatili naman sa kustodiya ng mga awtoridad sa Maynila ang siyam na indibidwal na hinuli kasunod ng komprontasyon sa mga pulis sa Liwasang Bonifacio. 

Inabot ng madaling araw ngayong Huwebes ang pagpapalaya sa mahigit dalawandaang indibidwal na nakadetine sa Camp Bagong Diwa sa Taguig. 

Kabilang sila ng mga inaresto sa Sucat, Muntinlupa noong Linggo habang nagmamartsa sa tinaguriang Lakbayan mula Southern Tagalog, para lumahok sa mas malaking rally kontra Pax Silica at sa pagbisita ni US President Donald Trump sa bansa. 

Pinalaya sila matapos ang resolusyon ng Office of the City Prosecutor na nagbabasura sa mga reklamong malicious mischief at alarms and scandals laban sa kanila. 

Nagpapatrol, Michael Delizo. TV Patrol, Huwebes, 19 November 2026.

Leave a Reply