TV PATROL: Depensa ni Sara Duterte inungkat ang mga interes sa negosyo nina Marcos at Robredo
Isang dating imbestigador ng Anti-Money Laundering Council ang isinalang na testigo ng depensa para salagin ang ilan sa mga bintang sa Article of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa pagsalang ni Atty. Rainer Dela Fuente sa witness stand inisa-isa ng defense team ni Vice President Sara Duterte ang mga bintang sa Article of Impeachment kaugnay sa hindi umano maipaliwanag na yaman ng bise.
Ginamit nila ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr at dating Vice President Leni Robredo na nagpapakitang may dineklara rin silang mga interes sa negosyo.
Pinagbabawalan ng Saligang Batas, na magkaroon ng ibang trabaho o negosyo ang pangulo at bise habang nasa pinakamatataas na pwesto sa gobyerno.
Binanggit din ng depensa ang paglaki ng total net worth ng pangulo sa kanyang SALN habang nasa pwesto siya. Nagpapatrol si RG Cuz. TV Patrol, Huwebes, 19 November 2026.