TV PATROL : Negosyanteng hinoldap umano ng mga pulis sa Caloocan nagsampa ng reklamo sa NAPOLCOM
Pormal nang nagsampa ng reklamo sa National Police Commission ang negosyanteng hinoldap umano ng mga pulis sa Caloocan City
Itinanggi naman ng naarestong police major ang mga paratang at sinabing wala itong katotohanan.
Dumulog sa National Police Commission ngayong huwebes ang negosyanteng nagbebenta ng gintong alahas para ireklamo ang anim na pulis na sangkot umano sa panghoholdap sa kanila.
Ayon sa biktima, isang police major ang unang nakipag-ugnayan sa kanya at nakipagkasundong magkita sa isang restaurant sa Caloocan.
Nagtakda umano ng ibang lokasyon ang tauhan kung saan sila magkikita ng sinasabing buyer.
Nagpapatrol, Karen De Guzman! TV Patrol, Huwebes, 19 November 2026.