Saturday, November 21, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: ‘The Gilded Age’ Season 4 puno ng intriga at alitan; mga relasyon masusubok

Lalong umiinit ang salpukan ng drama, intriga, pag-ibig at kompetisyon New York society sa pinakabagong season ng historical fiction drama series na ‘The Gilded Age.’ 

Sentro nito ang ‘lavender marriage’ nina Oscar at Enid van Rhijn na ginagampanan nina Kelley Curran at Blake Ritson. 

Matinding krisis naman ang pinagdaraanan ng samahan ng power couple na sina George at Bertha Russell, na inagampanan naman nina Carrie Coon at Morgan Specter. 

Masusubok din ang pag-iibigan nina Marian Brook at Larry Russell, na ginagampanan nina Harry Richardson at Louisa Jacobson, na anak ng award-winning actress na si Meryl Streep. 

Samantala, naninibago pa rin si Ada Brook na ginagampanan ng ‘Sex and the City” star na si Cynthia Nixon na wala na siya nasa anino ng kanyang kapatid na si Agnes van Rhijn, na ginagampanan naman ni Christine Branski. 

Nagpapatrol, Gretchen Fullido. TV Patrol, Biyernes, 20 Nobyembre 2026

Leave a Reply