Saturday, November 21, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Lalaki arestado matapos umanong gahasain ang batang anak ng kinakasama

Arestado ang isang lalaki sa Pateros matapos umanong gahasain ang dose-anyos na batang babaeng anak ng kanyang kinakasama. 

Sa imbestigasyon ng pulisya, apat na beses umanong inabuso ng suspek ang bata, kabilang ang tatlong insidente noong November 7. 

Lumalabas sa medico-legal examination na positibong naabuso ang bata.

Mahaharap sa kasong paglabag sa anti-rape law  ang suspek na todo tanggi sa paratang laban sa kanya. 

Nasa pangangalaga na ng tiyahin ang bata at nakatakdang i-turn over sa Department of  Social Welfare and Development para sa kaukulang suporta. 

Nagpapatrol, Eon Sanchez. TV Patrol, biyernes, 20 nobyembre 2026

Leave a Reply