Saturday, November 21, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Prosekusyon duda sa mga dokumentong isinumite ng Cale88 sa BOI

Hinanapan ng prosekusyon ng butas ang mga dokumentong iprinesenta ng depensa bilang patunay na lehitimong exporter ng banana chip ang Cale88, ang kumpaniya na iniuugnay sa asawa ni Vice President Sara Duterte.

Ayon sa prosekusyon, bagamat rehistrado sa Board of Investments ang Cale88, may mga kahina-hinalang detalye sa mga dokumentong isinumite nito sa ahensya.

Sa pagtatanong naman ng isang senator-judge, inamin ng testigo mula sa BOI na walang indikasyon na peke ang Cale88 o pineke ang export figures nito.

Aminado ang depensa na hindi naman bahagi ang Cale88 ng mga akusasyon tungkol sa umano’y ‘di maipaliwanag na yaman ng bise dahil ang asawa niyang si Mans Carpio ang nagmamay-ari nito.

Pero iginiit ni defense spokesperson Atty. Michael Poa na mahalaga pa rin para sa kanilang panig na maipaliwanag ang issue sa publiko.

Live mula sa Senado, nagpapatrol si Katrina Domingo. TV Patrol, Biyernes, 20 Nobyembre 2026.

Leave a Reply