Higit 44 kilong hot meat, nakumpiska sa Naga City People’s Mall
Inspeksyon ng Task Force Bantay Karne sa Naga City People’s Mall (NCPM), Nobyember 19, 2026. Retrato mula sa City Veterinary OfficeMANILA — Nakumpiska ng mga awtoridad ang kabuuang 44.31 kilo ng hot meat sa isinagawang inspeksyon ng Task Force Bantay Karne sa Naga City People’s Mall (NCPM) noong Nobyembre 19, 2026.
Sa ikatlong palapag ng pamilihan, natuklasan ng National Meat Inspection Service (NMIS) Bicol, City Veterinary Office (CVO), Public Safety Office (PSO), at PNP ang pagbebenta ng karne ng baboy na hinahalo sa mga frozen meat.
Nagmula ito sa isang Local Registered Meat Establishment (LRME) sa labas ng Naga kung kaya’t ipinagbabawal itong ibenta sa lungsod.
Nag-isyu rin ang grupo ng tatlong Notices of Violation sa iba pang puwesto na lumabag sa tamang paghawak at pagbebenta ng karne alinsunod sa Department of Agriculture Administrative Orders No. 5 at 6, Series of 2012.
Binalaan din nila ang mga nagtitinda na kukumpiskahin na ang kanilang paninda kung mauulit ang paglabag.
Matapos ang dokumentasyon, dinala ang mga nasamsam na karne sa Naga City District Abattoir at itinapon sa condemnation pit para hindi na magamit pa.
Bahagi ang operasyon ng kampanya upang mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) at matiyak na ligtas ang karneng mabibili at makakain ng publiko lalo na ngayong holiday season.