Sunday, November 22, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Cuyo, Palawan nakaranas ng ‘danger level’ heat index

Nakaranas ng nasa ‘danger’ level na heat index o 43 degrees Celsius ang bayan ng Cuyo, Palawan ngayong Sabado, November 21. 

Sa datos ng PAGASA, umabot naman sa mahigit 60 lugar sa bansa ang nakaranas ng heat index na nasa pagitan ng 33 hanggang 41 degrees Celsius. 

Nasa ilalim na ang mga ito ng ‘extreme caution’ category. 

Pinayuhan ng ahensya ang publiko na limitahan ang paglabas, at uminom ng maraming tubig dahil sa panganib ng heat cramps, heat exhaustion at posibleng heat stroke, kung magtatagal ang pagkakabilad sa matinding init. 

Sa lagay naman ng panahon, apat weather systems ang nakaaapekto sa bansa ayon sa PAGASA. 

Kabilang dito ang shear line na umiiral sa silangang bahagi ng Northern at Central Luzon, ang northeast monsoon o amihan sa nalalabing bahagi ng Northern Luzon, ang easterlies sa lalawigan ng Quezon, at ang intertropical convergence zone o ITCZ na nakaaapekto naman sa Mindanao. TV Patrol, Sabado, 21 Nobyembre 2026

Leave a Reply