TV PATROL: Alex Eala balik-Pinas para sa homecoming celebration; exhibition game kasado na
Muling makikita ng mga Pinoy si tennis star Alex Eala na lumaban sa home court.
Nakauwi na ang Pinay tennis ace para maghanda sa exhibition game sa Philippine Arena sa kanyang homecoming celebration.
Makakalaro niya rito si Janice Tjen ng Indonesia.
Maganda naman ang pagtatapos ng 2026 sa tennis journey ni Eala.
Bukod sa umangat siya sa career-high na number 15 sa WTA rankings, nominado rin siya sa 2026 WTA Player Awards.
Nagpapatrol, Paige Javier. TV Patrol, Sabado, 21 Nobyembre 2026