Sunday, November 22, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: 22 sakay ng nasirang motor banca sa Coron, Palawan nailigtas ng PCG

Na-rescue ng Philippine Coast Guard ang dalawampu’t dalawang sakay ng isang motor banca matapos itong masiraan ng makina sa Coron Bay sa Coron, Palawan noong Huwebes ng gabi. 

Ayon sa Coast Guard, mag-aalas onse ng gabi nang makatanggap sila ng distress call kaya agad silang nagpadala ng rescue team.

Maghahatinggabi na nang mamataan ang palutang-lutang na bangka. Nailipat ang mga pasahero at tripulante, at nahila ang motorized banca pabalik sa Port of Coron pasado alas-dose y medya ng madaling araw ng Biyernes. 

TV Patrol, Sabado, 21 Nobyembre 2026

Leave a Reply