TV PATROL: 2 lalaki arestado matapos nakawin at baklasin ang motorsiklo sa Maynila
Kalaboso ang dalawang lalaki matapos nakawin at baklasin ang motorsiklo sa Tondo, Maynila.
Hindi nakunan ang mismong pagkuha sa motor. Pero nahagip naman sa CCTV na bitbit na ng dalawa ang chinop-chop na parte ng motorsiklo na inilagay sa tabi ng kalsada.
Nang suriin ang CCTV, nadiskubreng ang isa sa tumira sa motor ay mismong kapitbahay ng may-ari ng motorsiklo.
Giit ng suspek, nagmagandang loob lang siyang linisin ang lugar kaya kinuha ang lumang motor. Nagpapatrol, Jessie Cruzat. TV Patrol, Sabado, 21 Nobyembre 2026