Saturday, November 21, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Adiong sa kampo ni Sara: ‘Wag balat-sibuyas’

Pumalag ang Office of the Vice President sa pagkokonekta ng tree-planting activities nito sa kumpanyang nauugnay sa asawa ni Bise Presidente Sara Duterte, sa impeachment trial nitong Biyernes.

Iginiit ng OVP na ‘mali, malisyoso, walang basehan’ ang pagkonekta ng tree-planting activities nito sa Board of Investments requirement sa Cale88. 

Paliwanag din tanggapan, ang “Pagbabago a Million Trees Campaign” ng OVP ay pagsuporta sa Department of Environment and Natural Resources na mabawasan ang carbon emissions at maprotektahan ang kalikasan para sa susunod na henerasyon.

Dinepensahan naman ni Rep. Zia Alonto Adiong, tagapagsalita ng House Prosecution ang kanilang tanong sa testigo.

Pinayuhan din niya ang kampo ng bise na huwag maging balat-sibuyas. 

-Ulat ni Daniza Fernandez, ABS-CBN News

Leave a Reply