Sunday, November 22, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Kagamitan sa Kanlaon Volcano Observatory ng Phivolcs, pinagsisira

MAYNILA — Pinagtataga, pinutol, at hinugot ang mga kable ng mahahalagang kagamitan sa isang observation station ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology malapit sa Bulkang Kanlaon sa Bago City, Negros Occidental.

Nadiskubre ng mga tauhan ng Kanlaon Volcano Observatory (KVO) ang insidente ng bandalismo noong Nobyembre 18, 2026 habang nagsasagawa ng routine maintenance sa Sitio Manghumay, Mailum Observation Station (VKMH).

Kabilang sa mga nasira ang kable ng ScanDOAS instrument, GNSS GPS equipment, seismic sensor GPS, at solar panel array.

Kritikal ang VKMH—na itinatag noong 2003—dahil ito ang pinakamalapit na istasyon sa pinagmumulan ng mga volcanic earthquake sa kanlurang bahagi ng bulkan, at nagbabantay din sa mga pagsabog, ash emission, sulfur dioxide (SO2) gas, at posibleng lahar.

Paalala ng DOST-PHIVOLCS, pinaparusahan sa ilalim ng Republic Act 10344 o Risk Reduction and Preparedness Equipment Protection Act of 2012 ang pagnanakaw o paninira ng mga government risk reduction equipment.

Nanawagan ang ahensya sa mga lokal na pamahalaan at residente na tumulong sa pagbabantay sa mga pasilidad at agad i-report ang anumang impormasyon sa insidente, lalo na’t nananatiling nasa Alert Level 2, o moderate level of unrest, ang Bulkang Kanlaon.

Sa mga may impormasyon sa mga kawatan, maaaring itong itawag sa Phivolcs-Volcano Monitoring and Eruption Division sa (+632) 8426-1468 hanggang 79 local 310 at 311 o makipag-ugnayan sa pulisya.

Leave a Reply