TV PATROL: 2 bodega ng electronic device nasunog sa Valenzuela City
Natupok ang dalawang bodega ng mga electronic device sa Barangay Maysan, Valenzuela City, pasado alas siyete ng umaga nitong Linggo.
Matinding usok ang pumerwisyo sa mga residenteng nakatira malapit sa nasabing bodega.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot sa higit animnapung bumbero at mga fire volunteer ang rumesponde.
Naapula ang sunog matapos ang tatlong oras. Wala namang ibang nadamay na bahay o estabilisimyento sa sunog, at wala ring nasaktan sa insidente.
TV Patrol, Linggo, 22 Nobyembre 2026