Sunday, November 22, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: 1 patay; 250 pamilya apektado ng sunog sa Maynila

Nasawi ang isang lalaki matapos ma-trap habang siya’y natutulog nang sumiklab ang sunog sa Sta. Mesa, Manila nitong Sabado. 

Halos anim na oras na nilamon ng malaking sunog ang residential area sa Road 13 sa Bgy. 628. 

Tuluyang naapula ng mga bumbero ang sunog pasado alas-diyes ng gabi matapos itong umabot sa ikatlong alarma. 

Naabo ang bahay ng nasa dalawandaan at limampung pamilya. 

Patuloy pang inaalam ng BFP kung ano ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsalang iniwan nito. 

Nagpapatrol, Eon Sanchez. TV Patrol, Linggo, 22 Nobyembre 2026

Leave a Reply