Sunday, November 22, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Nasa 15 indibidwal sugatan matapos pumalyang fireworks display sa Tangub City

Hindi bababa sa 15 indibidwal ang naiulat na sugatan matapos tamaan ng mga paputok sa pagbubukas ng taunang festival of lights sa Tangub City, Misamis Occidental Sabado ng gabi. 

Sa gitna ng magarbong fireworks display, biglang lumipad ang mga paputok patungo sa mga manonood sa city plaza. 

Agad isinugod sa pagamutan ang mga sugatan. 

Ayon sa Philippine Red Cross, na mabilis ding rumesponde sa lugar, may mga nagtamo ng sugat at paso, na-dislocate ang buto at may apektado ang pandinig dahil sa pagsabog. 

Wala pang inilalabas na opisyal na ulat ang lokal na pamahalaan at pulisya kaugnay sa insidente. 

TV Patrol, Linggo, 22 Nobyembre 2026

Leave a Reply