Tuesday, November 24, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Dating party-list Rep. Teodoro Lim patay sa pananaksak ng holdaper

Nasawi si dating United Movement Against Drugs Party-list Representative Teodoro Lim, matapos saksakin ng holdaper sa Antipolo City. 

November 17 nang pagsasaksakin ang dating mambabatas ng isang lalaki habang pasakay siya sa sasakyan dala ang ilang pinamili. 

Naiwan pa ng suspek ang ginamit na patalim, sumbrero at tsinelas sa sasakyan ng biktima. 

Nadala pa ni Lim ang sarili sa ospital, pero pumanaw rin kinagabihan.

Natunton ng pulisya sa follow-up operation ang suspek sa kanyang bahay sa Angono, Rizal. 

Narekober ang mga ninakaw niyang gamit. 

Nakita rin sa bakuran ang isang puting t-shirt na puno ng dugo, na pinaniniwalaang mula sa sugat sa brasong tinamo ng suspek nang manlaban ang biktima. 

Nahaharap sa kasong robbery with homicide ang nakakulong na suspek, na may warrant of arrest din para sa pagnanakaw sa Northern Samar. ‘Yan ang CCTV Patrol ni  Christopher Sitson. TV Patrol, Lunes, 23 Nobyembre 2026

Leave a Reply