Tuesday, November 24, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Vlogger na nagmotor nang walang helmet nagpaliwanag sa LTO; lisensiya isinuko

Hawak na ng Land Transportation Office ang lisensya ng isang vlogger na na-isyuhan ng ‘show cause order,’ matapos mag-viral dahil sa pagmomotor ng walang suot na helmet. 

Bukod pa yan sa iba nyang paglabag tulad ng pag-angkas ng bata na wala ring helmet, at pagkuha ng video habang nagmamaneho. 

Personal na nagtungo sa LTO ang vlogger para magpaliwanag kasabay ng pagdagsa rin ng kaniyang mga tagasuporta. 

Isinauli rin ni Ong ang kanyang lisensiya sa LTO. Nauna na siyang ng pinatawan ng 90-araw na preventive suspension ng ahensiya. 

Aminado rin ito sa pagkakamali, at nangakong makikipagtulungan sa imbestigayon. 

Ayon sa LTO, posibleng mailabas ng Intelligence and Investigation Division nito ang ang resolusyon sa kaso sa susunod na limang-araw. Doon malalaman kung kinakailangang palawigin pa o tapusin ng mas maaga ang suspensyon ng lisensiya ng vlogger. 

TV Patrol, Lunes, 23 Nobyembre 2026

Leave a Reply