Tuesday, November 24, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Eala target na higitan ang WTA ranking, palakasin ang fitness sa 2027

Matapos ang napakahaba at matagumpay na 2026 season, labis ang kasiyahan ni Alex Eala ngayong nakabalik na siya sa bansa.

Nakuha ni Eala ang kanyang unang WTA title sa Washington DC ngayong taon at umakyat sa kanyang career-best ranking na world number 15.

Kaya naman ang target ni Eala sa susunod na taon ay umangat pa sa WTA rankings.

Proud din si Eala sa kaniyang physical fitness na plano niya pang palakasin sa 2027.

Nasa Pilipinas si Eala para sa exhibition match kasama si Janice Tjen sa Philippine Arena sa December 8.

Dito na rin siya magpapasko sa bansa at mag-eensayo para sa pre-season bago sumabak sa kanyang unang torneyo sa susunod na taon sa Auckland, New Zealand. 

Nagpapatrol, Dyan Castillejo. TV Patrol, Lunes, 23 Nobyembre 2026.

Leave a Reply