Tuesday, November 24, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Kim Chiu nagsalita na kaugnay sa kaso ng kanyang ateng si Lakam

Binasag na ni Kim Chiu ang kanyang pananahimik kaugnay ng pagsasampa ng kasong qualified theft laban sa kanyang ate na si Lakam. 

Nagpasalamat si Kim sa iba pa niyang kapatid na sina Twinkle at John Paul, pati na kay Star Magic head Laurenti Dyogi na sinamahan siya sa unang araw ng hearing ng kaso. 

Samantala, naging emosyonal si Ruffa Gutierrez nang mapag-usapan ang kondisyon ng kanyang inang si Annabelle Rama. 

Pero wala na aniya sa ospital si Tita Annabelle at nasa bahay na para ituloy ang recovery.  

May update din siya sa kondisyon ng amang si Eddie Gutierrez. Kapwa aniya lumalakas ang kanyang mga magulang. 

Binigyang linaw din ni Ruffa ang tungkol sa relasyon ng kanyang ina at ni Sarah Lahbati. 

Nagpapatrol, MJ Felipe. TV Patrol, Lunes, 23 Nobyembre 2026

Leave a Reply