Tuesday, November 24, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: ‘Big Brother’ ipinaalala ang kahalagahan ng paggalang sa kapwa

Humingi ng paumanhin ang “Pinoy Big Brother Collab 3.0” housemates na sina Mikee Quintos at Raheel Bhyria matapos makasakit ng damdamin ng mga manonood ang kanilang mga kilos sa isang livestream na inakalang pangungutya sa mga person with disabilities. 

Sa episode kagabi, November 23, kinausap ni Kuya sina Mikee at Raheel sa confession room para ipaintindi sa kanila kung bakit nakasakit ng damdamin ang kanilang ginawa. 

Ipinaalala rin sa kanila ang kahalagahan ng pagiging sensitibo at paggalang sa kapwa. 

Bagama’t nilinaw ng dalawang housemates na hindi nila intensyong pagtawanan ang mga PWD, napagtanto nilang naging insensitive ang kanilang mga kilos. 

Para kay Mikee, isang pagkakataon ang pangyayaring ito para matuto at maging mas mabuting tao. TV Patrol, Martes, 24 November 2026.

Leave a Reply