TV PATROL: 4 lalaki arestado sa 2 insidente ng pagnanakaw ng kable sa Sampaloc, Maynila
Arestado ang apat na lalaki sa magkahiwalay na insidente ng nakawan ng kable sa Sampaloc, Maynila.
Sa Barangay 543, timbog ang tatlong lalaking nagnanakaw umano ng mga kable ng telepono mula sa imburnal ang grupo ang inaresto.
Nakatakas naman ang iba pa nilang kasabwat.
Narekober ng pulisya ang ninakaw na mga kable, na halos dalawandaang libong piso ang halaga.
Kinasuhan na sila ng paglabag sa Anti-cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013, habang tinutugis na ng pulisya ang mga kasabwat nila.
Sa Barangay 554 naman, inaresto din ng mga pulis ang isang lalaki matapos niyang nakawin ang kable ng mga streetlight noong linggo ng gabi.
Natiyempuhan ng mga taga-barangay ang suspek habang nagro-ronda sa madilim na bahagi ng Sobriedad Street, ang nakatakas na kasabwat niya. Nakumpiska sa kanya ang ninakaw na kable at wire cutter.
Nakakulong ang suspek dahil sa reklamong theft at malicious mischief.
‘Yan ang CCTV Patrol ni Bea Cuadra. TV Patrol, Martes, 24 Nobyembre 2026