Tuesday, November 24, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Alex Eala nakalaro sina Marcos at Angara ng tennis sa Pasig homecoming

Isang masayang homecoming na may kasamang tennis clinic ang sumalubong kay world no. 15 Alex Eala sa kanyang pagbabalik sa Pasig.

Nakalaro din niya si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Education Sec. Sonny Angara na tiniyak ang suporta ng pamahalaan sa sports.

Nakasama rin niya ang mga kapwa sports champions, unang Olympic gold medalist ng Pilipinas, Hidilyn Diaz at ang nangungunang pole vaulter sa buong Asya, EJ Obiena. 

Personal para kay Eala ang tinaguriang homecoming niya sa lungsod, kung saan siya unang natuto ng tennis, kasama ang kuyang si Miko, sa gabay ng kanilang Lolo Bob. Malaki ang pasasalamat ni Eala sa mainit na pagsalubong sa kanya. 

Nangako rin siyang patuloy na kakayod para mabigyan ng karangalan ang Pilipinas sa mundo ng tennis. Nagpapatrol, Dyan Castillejo. TV Patrol, Martes,  24 Nobyembre 2026

Leave a Reply