TV PATROL: Bawas-presyo sa petrolyo namumuro ulit sa susunod na linggo
Kinontra rin ng mga pribadong kumpanya ng langis ang pahayag ni US President Donald Trump na sa Amerika dapat bilhin ang produktong petrolyo ng Pilipinas.
Mas lalo umanong magmamahal ang presyo ng langis sa Pilipinas dahil sa mas mataas na freight cost.
May tsansa namang masundan ang rolbak sa susunod na linggo dahil sa unang araw ng trading kahapon, mahigit 2-pesos na agad ang bagsak sa diesel, mahigit piso naman sa gasolina at kerosene.
Samantala, kahit nakatatlong sunod na linggong puro rollback, malayo-layo pa rin ang presyo ng petrolyo ngayon kumpara sa presyo noong Pebrero bago sumiklab ang giyera sa Middle East.
TV Patrol, Martes, 24 Nobyembre 2026