Wednesday, November 25, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: 4 na suspek sa pagpatay sa hepe ng Bubong, Lanao del Sur Police tinutugis

Tinutugis ng Philippine National Police ang apat na suspek sa pagpatay sa Chief of Police ng Bubong, Lanao del Sur.

Pinagbabaril ng riding-in-tandem ang biktimang si Police Captain Razul Guimbangan sa loob ng kanyang inuupahang apartment sa Kidapawan City, Cotabato, Lunes ng hapon.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Allen Rae Co, nakunan ng CCTV camera ang mukha ng gunman, na siyang nagmaneho ng motorsiklo, pati na ang angkas niya at ang dalawa umano nilang kasabwat, na nagsilbing lookout.

Sinugod sa ospital si Guimbangan, pero namatay rin dahil sa mga tama ng bala sa iba ibang bahagi ng katawan.

 TV Patrol, Miyerkules, 25 Nobyembre 2026 
    

Leave a Reply