Wednesday, November 25, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: PNP muling hinimok si Atong Ang na sumuko na

Muling hinikayat ng Philippine National Police ang negosyanteng si Charlie Atong Ang na sumuko na. 

Kasunod ito ng pag-isyu ng warrant of arrest laban kay Ang para sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention, kaugnay pa rin ng pagkawala ng ilang sabungero sa Maynila. 

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brigadier General Allen Rae Co, dapat na harapin ni Ang ang mga kaso, at patunayang wala siyang sala. 

October 30, 2026, nang maglabas ng arrest warrant ang Manila Regional Trial Court laban kay Ang, at dating pulis na si Ryan Jay Orapa. 

TV Patrol, Miyerkules, November 25, 2026.

Leave a Reply