TV PATROL: John Arcilla ipinasuri sa NBI ang labi ng alagang hayop
Nagtungo ang aktor na si John Arcilla sa NBI para ipasuri ang labi ng kanyang mga alagang hayop na nakalagak sa urn.
Ito’y sa harap ng mga isyu kaugnay ng mga tiwaling pet crematorium services.
Aminado si Arcilla na nagdulot ng pangamba at pagdududa ang usapin, lalot siyam sa labing dalawa sa kanyang pumanaw na mga alaga ay ipinagkatiwala niya sa i-isang pet crematorium.
2020 pa aniya iniingatan ang mga urn sa kanilang bahay, bilang pag-alala sa kanyang mga alagang hayop.
Ayon naman sa NBI, maisusumite na nila ang resulta ng pagsusuri ilang linggo matapos dalhin ang mga ito ni Arcilla.
TV Patrol, Miyerkules, November 25, 2026.