TV PATROL: Christmas attractions sunod-sunod nang nagbubukas sa iba-ibang lugar sa bansa
Nagsimula nang magningning ang iba-ibang pamaskong atraksyon na dinarayo ng mga pamilya at turista.
Tampok doon ang higanteng Christmas displays, makukulay na parol at mga light show na hindi lang nagbibigay-saya kundi nagpapaalala rin ng tunay na diwa ng pasko.
Kabilang sa mga dinarayo ang Baguio Botanical Garden na may temang ‘Hymn of the White Blossoms’ ngayong toan, ang Pampanga Eye sa San Fernando City, ang Christmas Wonderland sa Cavite City, at ang naglalakihang Christmas decorations sa Gapan City na kilala bilang Home of Christmas Festival.
Nagliwanag din ang mga munisipyo sa Tantangan, South Cotabato pati sa Samal at Balanga sa Bataan.
Nagpapatrol, Gracie Rutao. TV Patrol, Huwebes, 26 Nobyembre 2026.