Thursday, November 26, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: ‘Cry To Your Mother’ na winning song sa ‘BINIverse and Chorus’ streaming na

Sa mga nagpaplanong mag-move on at iwasan ang relapse, may bagong anthem ang BINI na puwede nang isama sa playlist.

Streaming na sa iba-ibang platforms ang ‘Cry To Your Mother’ na nilikha nina Paris Phoebe at Joel Renker.

Ito ang winning song sa reality series na ‘BINIverse and Chorus’ tampok ang tagisan ng Blooms sa paglikha ng kanta para sa Nation’s Girl Group.

Samantala, diretsahang kinumpirma ni Gerald Anderson na single siya at very happy.

Focused siya ngayon sa kanyang career at sa ilang projects sa likod ng camera. Full support naman si Jerald Napoles sa pangarap ng misis na si Kim Molina na muling gampanan ang papel ni Zsazsa Zaturnnah sa mas malaking entablado.

Dumayo naman sa New Zealand si Sam Milby para pasayahin ang mga Kapamilya sa “iWant Happy Hour.” 

Nagpapatrol, Anna Cerezo. TV Patrol, Huwebes, 26 Nobyembre 2026.

Leave a Reply