Thursday, November 26, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Gas stations na walang paliwanag sa pagsuway sa rollback ipasususpende

Inihahanda na ng Department of Energy ang suspension ng certificate of compliance ng mga gasolinahang hindi nagpaliwanag sa hindi pagpapatupad ng huling rollback. 

Sa buong bansa, mahigit 250 gas stations ang nabigyan ng show cause order ng DOE, pero sa 93 gas stations sa Luzon na hindi sumunod sa rollback computation, 20 lang ang sumagot.

Ipadadala ang suspension ng COC sa mga lokal na pamahalaan na may poder sa pagpapasara ng mga gasolinahan.

Samantala, lalo pang bumagsak ang presyo ng langis, lalo na ang diesel, sa ikatlong araw ng kalakalan sa world market.

Pero ngayong araw, sumipa ang presyo ng krudo dahil may bombahan na naman sa Gitnang Silangan.

Gayunpaman, positibo pa rin ang isang kumpanya ng langis na masusundan ang rollback sa Martes.

Nagpapatrol, Alvin Elchico. TV Patrol, Huwebes, 26 Nobyembre 2026.

Leave a Reply