Baron is not dead

By Delia Cuaresma

Buhay na buhay pa si Baron Geisler.

Pinatunayan ito mismo ng actor kamakailan sa pamamagitan ng pag-post ng picture niya sa Facebook na todo ngiti at tila nagbabasa pa ng diyaryo.

baron

Aniya, “fake news” ang napabalitang patay na siya.

Dagdag pa niya, “Ibig sabihin lang niyan, mas hahaba pa buhay ko.”

Kumalat ang balitang patay na si Baron sa Facebook din, mga dalawang araw bago sumapit ang kanyang 35th na kaarawan noon June 5.

Kasalukuyang nasa isang rehabilitation center sa Cebu ngayon si Baron. Ito’y para tuluyang tapusin ang diumano’y adiksyon niya sa alcohol.

“By God’s grace, nothing is impossible if I totally surrender and take it seriously,” sabi niya.

Bago rito, ilang beses ding napasabak sa gulo ang aktor, kasama na ang suntukan nila ng kapwa actor na si Kiko Matos sa isang bar at ang diumano’y pambabastos niya sa anak ni Yayo at William Martinez na si Patricia.

Aniya, “Recovering from addiction is hard but possible if I am willing to accept that I have a problem which is alcoholism that made my life unmanageable. I just have to work the steps because it works if you work and do it a day at a time.”

Tumpak ka diyan, Baron!

http://tempo.com.ph/feed/