Hiwalay na naman

By Rowena Agilada

Magkasama sina Jolo Revilla at Lovi Poe sa isang upcoming movie, pero hindi naman siguro bahagi ng promotion nito ang balitang diumano’y break na sina Jolo at Jody Sta. Maria for the nth time.

Miguel and Bianca

Ex-sweethearts sina Jolo at Lovi at hindi kapani-paniwala kung ili-link sila sa isa’t-isa para sa promotion ng kanilang upcoming movie. May non-showbiz boyfriend si Lovi, si Chris Johnson. Besides, hindi si Lovi ang kapareha ni Jolo, kundi si Rhian Ramos.

Hindi rin kapani-kapaniwala kung ili-link si Jolo kay Rhian dahil may non-showbiz BF din ang dalaga.

On-and-off ang relasyon nina Jolo at Jody for eight years. This time, ayon sa isang source, mukhang wala na raw balikang mangyayari.   

Noong graduation rites ni Jolo sa PICC, wala si Jody. Nagtapos si Jolo ng kursong Bachelor of Arts, major in Legal Studies sa Lyceum of the Philippines.

Noong June 16 ay 36th birthday ni Jody. Binati lang siya ni Jolo sa socmed. Walang sweet words at hindi na “asawa” o “love” ang tawag ni Jolo kungdi Jods lang.

Parehong non-committal sina Jolo at Jody sa dahilan ng kanilang break-up. 
 
Balik-trabaho
Parehong balik-trabaho si Mariel Rodriguez and her stepdaughter na si Kylie Padilla. Nagbalik si Mariel bilang co-host sa “It’s Showtime” na aniya, na-miss niya. Pinayagan lang siya ng husband niyang si Robin Padilla dahil knows nitong love na love niya ang naturang noontime show.

Ani Mariel, sa “It’s Showtime” lang siya pinayagan ni Robin magtrabaho.

Si Kylie naman ay nagte-taping na sa GMA series na “The Cure.” Na-miss niya ang pagte-taping, kaya sobrang excited siya at parating high energy kapag nasa set.
      
Bumawi
 
Hindi nasamahan ni Miguel Tanfelix si Bianca Umali sa isang fashion event kamakailan dahil may importante siyang lakad. Agad naman siyang bumawi at sinorpresa niya ng mini-date at stuffed toy si Bianca.

In-appreciate naman ‘yun ni Bianca at happy na siya sa simpleng hang-out nila ni Miguel. 

Looking forward sila sa Japan trip nila na birthday treat ni Miguel kay Bianca who turned 18 last March this year.

http://tempo.com.ph/feed/