Rufa Mae inamin ang ‘nakaraan’ kay Piolo

By Robert R. Requintina

Inamin ng komedyanang si Rufa Mae Quinto na may “nakaraan” sila ng aktor na si Piolo Pascual pero taliwas ito sa iniisip ng iba.

Rufa Mae Quinto

“Ang nakaraan namin, pray-pray sa bahay niya. Basta every night,” kwento ni Rufa sa “Tonight With Boy Abunda.”

Ang tinutukoy ni Rufa ay ang mga prayer meeting niya with Piolo at iba pang mga kaibigan nila.

Sa ngayon, si Piolo ay uma-attend ng Victory Christian Fellowship, isang non-denominational evangelical charismatic church.

“Nagkakamalisya na nga ako sa kanya eh. Sabi ko dun ka nga, ‘wag kang anu-ano dyan,” ayon kay Rufa, isa sa mga star ng Kapamilya comedy series na “Home Sweetie Home.”

“Kasi lumalaban na rin. Dapat ako lang mag-gu-group hug tapos lumalaban din. Kaya ako naaano na,” dagdag pa niya.
Itinanggi rin ni Rufa na sinasaktan niya ang kanyang anak na si Alexandria habang hawak niya ito sa swimming pool base sa viral photo na kumakalat ngayon sa social media.

“Tinuturuan ko siyang mag-swimming, e ang gulo-gulo niya. Di ba lagi siyang may tali sa buhok? Tinatanggal ko ‘yung tali…

“Kumbaga hawak ko siya tapos nanlalaban. Alam mo na bata. Tapos tinataas kong ganun, tapos hawak ko ‘yung tali. Hindi ko naman sasaktan ‘yung anak ko. May tender loving care,” aniya.

http://tempo.com.ph/feed/