Pregnant cop sugatan sa road accident

By Kate Javier

Isang babaeng police officer na anim na buwang buntis ang sugatan matapos mabangga ng isang truck ang kaniyang minamanehong motorsiklo nitong Linggo ng gabi sa Malabon City.

Kinilala ni Senior Supt. Harry Espela, Malabon police chief, ang biktima na si PO1 Jinky Liwag, 30, ng Caloocan City, naka-assign sa Women and Children Protection Office ng Valenzuela City Police Station. Si Liwag ay six-month pregrnant.

Ayon kay Emit Villanueva, isang attendant sa gasoline station, nakita niya ang isang truck ng mga bote na sumalpok sa isang concrete barrier sa MacArthur Highway.

Bumangga rin ang sasakyan sa motorcycle na minamaneho ni Liwag.

Isinugod si Liwag sa Manila Central University Hospital habang ang truck driver na si Ryan Macarilay ay dinala sa Manila Central University Hospital dahil sa mga sugat na tinamo.

Ayon kay PO2 Robert Cabasag, investigator on the case, nasa mabuting kalagayan si Liwag habang inooberbahan pa ang sanggol sa kaniyang sinapupunan.

Nakatakdang samapahan ng kasong reckless imprudence resulting in physical injury and damage to property laban kay Macarilay.

http://tempo.com.ph/feed/